Friday, March 27, 2009

Being an OFW: Is It Indeed Heroic?

As I was surfing one day, I happen to stumble on a pretty interesting scribe, at least for me. I have no idea whether it is still in its original form, but as I made a pass on it, admittedly, I got struck. It may not be relevant to me as a whole, but I can truly say that most of it would apply to each of my league. Read on...



REALITIES OF BEING AN OFW

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P50K - P300K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (Amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa Pilipinas. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang ang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangang may baon kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of folks, friends and relatives.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Pilipinas ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapagpadala ka na, okay na, tawag na agad sa pamilya; "Hello! kumusta na kayo?". At ang kadalasan namang maririnig sa kanila ay; "Ikaw diyan, kumusta ka naman? Magi-ingat ka lagi ha...". Okay na sana yun kahit papaano, kaso panay yun at yun din lang ang paulit-ulit na sinasabi. Actually, laging expected mo na yun. Kabisado mo na nga.

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pagpapakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats (talo) rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak kundi adik, nabuntis; ang asawa naman may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Pilipinas dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo (madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak. Ang karamihan itutulak pa pabalik.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam kailan magbabago ang Pilipinas. Kailan nga kaya? O may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo ang mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Pilipinas, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka), iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang tunog ng "Mahal kita!", "Payakap naman kay Papa.", "Ambantot ng utot mo, anak!", " Inday, anong ulam natin? Mag-ihaw ka ng talong ha!". Iba pa rin talaga. Ibang iba. 'Taragis, nakaka-miss, super! Kaso wala e...

Pero sige lang, tiis lang. Pasasaan ba't darating din ang pag-asa...


At some point I have to pause and ask myself; "Who could have asked me to be an OFW?. Didn't I have a better choice?". And as I try to get back to reality, yes indeed there were lots of choices, and options, and preferences, and alternatives. But deciphering deeper, my decision was a no-brainer. I can choose to stay and just be patient and resourceful and make do of whatever there is back home. But then it would mean that I am limiting what I can do. I would be violating my capabilities. And I would be defeating my own wisdom. I did not have kids and just watch them grow. I have always wanted a happy family. If we can not be happy altogether, then at least it would be just me.

Whether I 'sacrifice' or not, I know I shall be judged. And since I can not accept dimunitivity as dignity, and as long as I am still grateful of the fruits of my decisions, I know that if I don't see the reward until I breath my last, my whole journey would still all be mine - in peace.




No comments: